Buwang ng Wika na naman! Ginaganap ito tuwing Agosto, at dahil sa pandemya, wala munang mga pagtitipon na gagawin maliban sa mga online na pagsasama-sama.

Sa aming tahanan, sinimulan namin ang paggunita nito sa pagbibihis at paglilitrato na suot ang mga pambasang mga kasuotan ng Pilipino.

Image may contain: 4 people, people standing, people sitting and indoor

Inaral at inawit ng aming panganay ang napapahong madamdaming awit na, “Bayan Ko.” Ito ang link ng kanyang pag-awit: https://youtu.be/Nmdrp5yGNyA

Inaral din namin ang Tagalog na bersyon ng Psalm 23 o Mga Wika 23 at binuo ito bilang isang kanta na nilapatan ng wikang pasenyas (sign language) base sa naalalang mga senyas ng aming Ate sa kanyang naging pag-aaral ng FSL (Filipino Sign Language) ilang buwan na ang nakalilipas. Mapapanood ito sa link na ito: https://youtu.be/r0WwLeuuizk

Kung papansinin ninyo sa video, may nakapaskil na mga likhang pagpipinta sa dingding. May suot ding mga kuwintas na makulay ang mga bata. Bunga ito ng biglaang naisipan gawain bago kinuhanan ang video.

Gamit ang food color, kinulayan ang mga macaroni pasta noodles sa pamamagitan ng pagbabad nito sa tinunaw na food color sa isang mangkok. Ang natira sa pinagbabaran ay aming inipon at siyang ginamit para magpinta. Muling binalikan ng mga bata ang Tagalog na mga salita para sa mga iba’t-ibang kulay, at itinuro din ng aming Ate ang mga wikang pasenyas o Filipino Sign Language (FSL)para sa mga ito.

Ang napili naming ipinta para sa araw na ito ay ang “Vinta.” Ito ay isang tradisyonal na uri ng bangka na ginagamit ng mga katutubong naninirahan sa Mindanao. Karaniwan na ito ay makulay — isang simbolo ng makulay na kultura ng mga Badjao, Moro, at iba pang mga kapatid nating Muslim lalo na sa may Zamboanga.

Matapos ang kanilang pagpinta, binalikan naman namin ang pinatuyong mga kinulayang macaroni pasta. Pumili sila ng kanya-kanya nilang disenyo at kulay, at lumikha ng mga kwintas na makulay. Aming saglit na pinag-usapan ang kahalagahan ng mga palamuti sa katawan at mga alahas na likha ng mga katutubong Pilipino. Tiningnan din namin sa internet ang ilang mga halimbawa nito.