Kulturang Pinoy
Gamit ang food color, kinulayan ang mga macaroni pasta noodles sa pamamagitan ng pagbabad nito sa tinunaw na food color sa isang mangkok. Ang natira sa pinagbabaran ay aming inipon at siyang ginamit para magpinta.
Ang napili naming ipinta para sa araw na ito ay ang “Vinta.” Ito ay isang tradisyonal na uri ng bangka na ginagamit ng mga katutubong naninirahan sa Mindanao. Karaniwan na ito ay makulay — isang simbolo ng makulay na kultura ng mga Badjao, Moro, at iba pang mga kapatid nating Muslim lalo na sa may Zamboanga.
Matapos ang kanilang pagpinta, binalikan naman namin ang pinatuyong mga kinulayang macaroni pasta. Pumili sila ng kanya-kanya nilang disenyo at kulay, at lumikha ng mga kwintas na makulay. Aming saglit na pinag-usapan ang kahalagahan ng mga palamuti sa katawan at mga alahas na likha ng mga tribo. Tiningnan din namin sa internet ang ilang mga halimbawa nito.